Sa araw na 'to, eksaktong 52 days before ng gradutaion ceremony namin. Syempe masaya ako. Sino ba naman hindi sasaya, di ba? Masaya ako kasi sa wakas, tapos na ko sa pag-aaral at oras ko na para tumulong sa mga magulang ko. Pero kahit gaano kasaya, meron parin magiging isang reason kung bakit may sadness akong nafi-feel.
Tama! Nasa-sad din ako kahit papaano kasi may mga taong siguradong mami-miss ko. Nandyan na 'yung mga schoolmates, classmates, professors, pati mga guards, yung mga nasa canteen, library, at higit sa lahat 'yung walong taong nagkumpleto at nagbigay kulay sa college life ko. Heto sila: (Maglalagay ako ng description ha?! =D)
1.) MARIANNE DELA CRUZ "Ang Dadalerang Gastador"
Siya unang naging kaibigan ko sa pito. Napaka-friendly at napakadaldal kase kaya lahat kinakausap. E saktong marami kaming pagkakapareho, maraming bagay na parehas naming gusto. Nandyan na 'yung mga sapatos, damit, bag, at accessories. Minsan pagpaplanuhan pa talaga namin kung ano isusuot namin sa ganitong araw. Pag magkasama kami, daldal lang kami ng daldal.
Bakit nga ba "ANG DALDALERANG GASTADOR"? Kagaya nga ng sabi ko, madaldal siya. Hindi siya nauubusan ng kwento. Dami rin niyang banat at jokes. Parang siya si Vice Ganda, batuhin mo ng jokes, may maiisip agad siyang pambato sa'yo. Bilis ng utak. Kaya sa theatre namin tawag sa kanya "Ad lib Queen". Kung anong ikinadaldal nya, ganoon din ikina-gastador niya. Grabe siya maglustay ng pera! Kahit mga walang kwentang bagay, binibili niya basta gusto niya. Kahit walang kwentang notebook, nang dahil lang naka-print doon si Dora the Explorer bibilhin niya. Eto pa... Mahilig siyang mag-order ng maraming putahe tapos hindi niya uubusin. Wala lang! Gusto lang niyang matikman.
2.) RAIZA SANTIAGO "Ang Lasenggerang Driver"
Actually, kaming dalawa ni Raiza ang driver ng lahat. Kami lang kasi marunong mag-drive. Si Raiza sa automatic, ako sa stick-shift. Kaming dalawa palagi ang huling nakakauwi ng bahay. Kaya dami namin napag-uusapan. Lovelife niya, pamilya niya, at mga chismis. Haha!
Hindi naman talaga lasenggera 'tong si Raiza. Ganun lang ang tawag namin kasi siya lang talaga ang umiinom ng alak/alcohol sa amin. 'Yung iba sa amin umiinom rin, pero isa hanggang dalawan bote, waley na. 'Yung isa namumula, 'yung isa naman andaldal, at 'yung isa nakahiga na. Pero ang pinakamatatag sa amin, si Raiza. Maka-isang case ng red horse siguro siya, wala paring tama sa kanya. Nagsusuka na lahat, siya tumatagay parin. Haha.
3.) MARIZ ABRAZALDO "Ang Galanteng Kapampangan Wanna-be"
Hindi masyadong dumadaldal 'tong babaeng 'to pag kasama mo. Pero sa GROUP MESSAGE, daming kinukwento! Haha. Majority sa grupo ay Kapampangan. Dalawa lang ang Bulakenya, si Mariz at Vuenavir. Etong si Mariz, nahahawa na sa aming mga Kapampangan. Minsan may tonong Kapampangan na sya kaya halos lahat kami nagtatawanan sa kanya.
Galante si Mariz, hindi gastador kagaya ni Marianne. Magkaiba ang galante at ang gastador. Willing siyang bilhin lahat basta kailangan. Ganun din pamilya niya. Minsan mapapadaan lang kami sa bahay o kaya may kukunin lang kami saglit, magugulat nalang kami, may merienda ng nakahapag. Haha! Minsan bibigyan pa kami ng daddy niya ng perang pang-gimik.
4.) AMELIA BALBOA "Ang Galanteng Daldalita"
Daldalita kase maliit lang siya. (Si Marianne kase laking tao kaya DALDALERA). Sobrang nakakatawa 'to si Amelia. Kahit isang word lang sabihin niya, matatawa ka na. Ewan ko kung anong meron siya bakit napaka-effortless ng mga jokes niya. Haha! Hindi rin siya nauubusan ng kwento at jokes. Minsan kaming lahat pagod na, pero siya daldal parin ng daldal. Pero ang cool kase, nae-energize kami kapag nagpapatawa siya.
Galante rin siya. Maglalabas siya agad ng pera sa mga bagay na importante. Gagastos siya kahit magkano basta reasonable naman. Wala kang maririnig na reklamo from her. Basta sige... gora lang ang pera sa pitaka niya.
5.) VUENAVIR SANCHEZ "Ang Sosyalerang Prangka"
Tawag namin sa kanya "Avi", isang Bulakenya. Pero nakikipagsabayan siya kapag nag-uusap kaming Kapampangan, kase ang boylet niya ay Kapampangan. Sosyal 'tong si Avi. Halos lahat ng gamit niya branded. Manang-mana sa mommy niya. Kahit sobrang mahal na make-up, papatusin niya. Haha! Grabe rin siyang mag-English, with conviction talaga siya. Anlalalim rin niyang mga English words niya. Haha! Dami pa niyang hand gestures.
Kapag nakita mong magkasalubong na kilay ni Avi, kelangan 'wag siyang iinisin. Kase pagsasabihan ka niya. Kung anong napapansin niya, sasabihin niya, lalu na kapag nakikita niyang mali. Pero hindi siya tulad ng iba na mahadera. Sasabihin niya ang gusto niyang sabihin sa intelehenteng pamamaraan.
6.) ARIANE LINGAT "Ang Relihiyosong Problemado"
Siguro siya 'yung may pinakakaunting kasalanan sa amin. Haha! Seryoso. Sabi kasi niya, as much as possible, iwasan ang gumawa ng kasalanan. Kung kailangan sabihin ang totoo, sabihin raw. Kapag may nilalait kaming tao, pipigilan niya kami. Kapag magsisinungaling kami, pagsasabihan niya kami. At every time na may contest na sasalihan ang kung sino man sa amin, lagi ka niyang ipe-pray over.
Kaya nga nabansagan siya problemado dahil lahat ng bagay, lalu na mga masasamang gawain, iniisip niya. Pero may mga time na, tatawa nalang kami, kasi feeling namin hindi naman dapat problemahin, pinoproblema niya. Haha!
7.) RHIAN BARCINAS "Ang Baklang Fashionista"
Bag, sapatos, make-up, accessories, name it! Alam niya lahat. Haha! Lagi niyang alam ang mga trend fashion. Siya pa nga ang official hair and make-up artist naming magkakaibigan. Ang galing niyang mag-ayos. Lahat kami napapaganda niya. Akalain mong ang malaking ilong ko, napapatangos niya nang maganda sa make-up niya. Pulidong-pulido!
Isa siyang beki at siya ang itinuturing naming "mother". Hindi dahil siya ang pinaka-matanda o gumaganap siya bilang ina na nagbibigay ng advice sa amin. Hindi ganun! Siya pa nga 'yung nagyayaya sa amin na rumampa, lumarga, gumimik. at lumakwacha. Haha! Siya ang mother kase siya ang pinaka-dambuhala sa amin. Haha! Maingay din siya pati laging nagpapatawa sa amin.
8.) JERIC GUTIERREZ "Ang Malanding Bading"
Dati dugyutin 'tong beki na 'to. Pumunta lang ng Japan at nagtrabaho, nagmukha ng babae. Baka nga mas mukha pa kaming lalaki sa kanya. Sabi niya sa amin, never siya magbibihis-babae. Pero ngayon, nagsusuot na ng panty, bra, skirt, tube, at make-up. Haha! Dinaig pa kami ng bakla.
Masasabi kong siya ay isang "MALANDING BADING" kase siya palang ang nakakalandi talaga sa amin. Haha! Dami niyang boylaloo. Hindi nauubusan ng suitors. Ganda-ganda kasi niya e. Tapos nakakatawa pa siya.
Ako naman si ANNIZAH CAMID, "Ang Palataeng Driver". Alam ko gross, pero 'yan ang totoo. Hahaha!!! Sabi ko nga, ako 'yung driver nilang gumagamit ng stick-shift. At oo... Pala-jebs ako. I don't mean to be icky here, gusto ko lang ikwento 'yung totoo. Haha! Hindi ko alam kung anong meron ang stomach ko at laging tinatawag ng nature. Sobrang bilis ata ng metabolism ko, kaya minsan right after kumain, naghahanap na agad ng comfort room. Lahat ng toilet nila sa bahay, nabasbasan ko na ng pagtawag ng nature sa akin. Haha! (Isang gross fact about me).
'Yang walong 'yan ang hinding-hindi ko makakalimutan. Sila 'yung mga Super Friends ko. Sobrang mami-miss ko lahat ng bonding moments namin. Lagi akong masaya kapag kasama sila. Hindi kami nauubusan ng pag-uusapan, pagbibiruan, at pagchi-chismisan. Kahit nasa parking lot lang kami nakatambay, hindi ka makakaramdam ng pagkabagot. Kahit nga library, nabubulabog sa kaingayan naman.
Kung ang ibang magkakaibigan, libangan ang magparty... kaming magkakaibigan, kumain ang libangan namin. 2-3 hours kami nagii-stay sa restaurants. 30 minutes kaming kakain at isang oras kami magdadaldalan, minsan sobra pa. Sa bawat kinakainan namin, ganoon kami. May mga time rin na trip namin kumain ng mga street food, like isaw, kwek-kwek, barbecue, mangga, at iba pa. Andaming junk food sa bahay namin, pero hindi ko pinapansin. Pero pag kasama ko sila, parang gutom na gutom ako na nakikipag-agawan sa chips. Ewan... Ansarap kumain kapag sila kasama ko.
Sobrang saya 'pag kasama sila. Nakakalimutan lahat ng problema. Noon, puro kami tawanan, kapag may problema 'yung isa, ichi-cheer up namin siya. Tipong magjo-joke tapos wala ng mga advices. Pero ngayong matatanda na kami, marunong na rin kami makinig at mag-advise sa kung sino man sa amin ang may problema.
Siguro iisipin ng iba na ang OA ko, e pwede naman kaming magkita after graduation. Oo, pwede pa kaming magkita pero siguro suntok sa buwan nalang. Si Rhian matagal ng nasa Canada, si Jeric matagal na ring nasa Japan. Tapos 'yung iba sa amin, pupunta na rin ng ibang bansa after graduation, kagaya ko. Nakakalungkot lang isipin na hindi na kami ganoon kadalas magsama.
Sana after graduation, consistent parin 'yung communication namin. Sana after graduation, lahat kami maging successful (I'm sure we will be). Sana after graduation, hindi namin makalimutan isa't isa. Sana kahit may mga asawa't anak na kami, magkikita pa rin kami.
No comments:
Post a Comment