Monday, August 19, 2013

Bakit hindi ka crush ng crush mo?

May bagong  movie ngayon ang Star Cinema... "Bakit Hindi Ka Crush ng Crush mo?" na isunulat ni Ramon Bautista at isinapelikula nina Kim Chui at Xian Lim.

Hindi ako mahilig manood ng mga ganitong pelikula. Pero dahil uso... Oo na! Makikiuso ako. Napaisip din naman kasi ako kung anong isasagot ko kapag ako ang tinanong ng ganun.

Gaya halos ng mga subjective posts ko, ibabase ko 'yung sagot ko sa experience ko.

*Highschool
Second year high school ako noong may isang lalaking nag-transfer mula sa kabilang school. Gwapo at maporma, kaya ayun... Naging campus crush! Akala ko noon, crush ko lang siya kasi bagong salta, bagong mukha. Naging third year high school ako, ganun parin. Ang matindi pa, nagka-dalawang girlfriends na siya sa school, pero hinahangaan ko pa rin siya. Hindi ko alam kung bakit siya, samantalang, may iba naman diyan na BAKA may crush din sa akin. Tinatanong ko sarili ko, "Bakit crush ko 'yung taong hindi naman ako crush"? Napaka-magical ng feeling na wala naman siyang ginagawa pero napapakilig niya ako. Ultimong mapunta lang sa akin yung papel niya kapag sinabi na ng teacher na "exchange paper", tumatalon na agad puso ko. Pakiramdam ko soulmate na kami. Ang pinkamasyang nangyari sa akin noon ay sa gabi ng JS Prom. Kami kasi 'yung itinanghal na Mr. & Ms. Junior. Nainis pa nga ako noon kasi dapat magsasayaw mga nanalong partners ng romantic dance. Ganun naman talaga, 'di ba? Ewan ko ba sa mga organizers ng event kung bakit walang ganoon. Pagkakataon ko na 'yun eh!

Eto 'yung mga naisip kong dahilan noon bakit hindi niya ako naging crush (kahit sa mga panahong single kami parehas):

  1. Maarte ako
  2. Sungki ngipin ko (maganda ngipin niya e)
  3. Maingay ako
  4. Sobrang payat ko
  5. Pangit ako

*College
Campus heartthrob siya. In short, isa lang ako sa napakaraming humahanga sa kanya. Mutual friends kaya nagkakasama kami. Naging madalas yung pagsasama dahil sa isang event na pinaghandaan namin, pero syempre may mga kasama kami. Eto yung paghangang hindi ko na kinwestyon kung crush niya ba ako o bakit hindi niya ako crush. Kumbaga, hindi ko na nagawang isipin kasi may jowa ako noon. Simpleng diretsong literal na paghanga lang. Pero kung siguro babalikan ko para malaman ko man kung bakit hindi ako crush ni college crush, eto 'yung sagot ko:

  1. May jowa ako
  2. 'Di siya maka-get over sa ex niya.
  3. Maarte ako
  4. Parang bading ako kumilos at magsalita
  5. Pangit ako


Pagkatapos kong i-enumerate 'yung mga naiisip kong dahilan nang hindi pagkahanga sa akin ng crush ko, naisip ko... Saklap pala! Nagkakaroon tayo ng mga insercurities na hindi naman dapat, gaya na lamang ng  pag-isip na baka pangit tayo. Sigurado ako, hindi lang ako nakaisip no'n. Aminin!

Pero minsan 'yung mga dahilan na 'yon, katas lamang ng pagiging praning. Kagaya na lamang ng high school crush ko. After graduation, napagkwentuhan lang namin 'yung mga bagay-bagay. Nag-reminisce! Naikwento ko nga na hinahangaan ko siya non pati natanong ko rin kung bakit hindi man lang niya ko napansin noon. Eto ang sabi niya, "Napapansin kita noon. Sobrang pansin. Nag-aaral pa ko sa ibang school, nakikita na kita sa mga interschool events. Crush kita. Hindi lang ako umaasa na papansinin mo ko. Siyempre nakaka-intimidate... Nakakahiya!"

Sabihin na nating case-BY-case basis, pero ang bottomline doon... Napapakilig ka ni crush! Wala naman siyang ginagawa pero napapasaya niya puso mo.

No comments:

Post a Comment

Life Lately #3

I fell in love with vlogging! My time for blogging has been given to recording and editing. That’s the reason I have no blog entry for th...