Nakausap ko 'yung matalik kong kaibigan, para ko na nga siyang kapatid e. Tawang-tawa ako nang naisambit niya 'yung salitang "gulpe de gulat". Gulat nga rin ako na may ganung phrase pala na nage-exist. Malamang mage-exist siya kasi nangyayari sa totoong buhay eh. Pero hindi ko alam kung akma ba 'yung mga salitang 'yun sa nangyayari sa akin ngayon... Ay! Noon pala.
May nalaman ako. Natuklasan ko 'yung konting katotohanan. Hindi buo, pero ayos na sa akin 'yun. Hindi naman ako yayaman dun pero sobrang saya ko nung nalaman ko 'yun eh! Saglitang saya lang kasi bigla kong naisip... Eto 'yung masayang katotohanan na hindi mo na pwedeng panghawakan. Ay mali! Kahit pala malaman ko ng mas maaga o sobrang aga pa (kahit malaman ko 'yun habang fetus pa ako), hindi ko parin pwedeng panghawakan kasi wala rin namang magbabago.
Gusto kong idetalye para maintindihan ninyong mga nagbabasa. Sigurado ako makakaramdam kayo ng tawa at pagkagulat. Kaso hindi pwede eh!
Anlaking pasasalamat ko doon sa kaibigan ko. Nakahinga ako ng maluwag! OA ba?! Hindi naman siguro, kasi antagal ko ng gustong ilabas eh. Hindi ko lang alam kung sino ang tamang taong pagsasabihan ko 'non. Kung sino ang makakasagot nito: "Will I ever get to heaven with you?Will I ever breathe the air that you do? Will I ever touch the angels? Will they fly? Will I ever? " Pilitin mo nalang i-connect sa topic.
Ang naiisip ko ngayon... Kahit hindi ko panghahawakan 'yung katotohanang 'yun, masaya narin ako kasi nalaman ko na hindi pala nag-iisa 'yung puso ko noon. Wow! Puso?! Paano na-involve ang puso dito? Lol! Ganito nalang... Hindi pala ako nag-iisa. Parehas pala kami ng nararamdaman para sa isa't isa. Hindi na nga lang pwede...
No comments:
Post a Comment