Bukod sa pamilya, may dalawang taong napakaimportante rin sa ating buhay. Sila ay: si kaibigan at si ka-ibigan. Napakaraming pagkakaparehas ng dalawang ito. Bukod sa parehas ang spelling ng dalawa, may pagkakahawig din sa job description.
Ang kaibigan at ka-ibigan ay parehas nandiyan sa tabi mo palagi. 24 hours silang nandiyan. Kahit hindi mo sila katabi, isang tawag lang o text, darating agad sila. Kapag oras ng kasiyahan, hindi sila nagpapahuli. Pwedeng kasama mo sila mag-shopping, gumimik, maglakwacha, o mag-inuman. Minsan nga kasama mo pa sila sa kalokohan.
Kung kasama mo sila sa panahon ng kasiyahan, syempre mas lalung andiyan sila pag malungkot ka. Si friend at si boyfriend/girlfriend ay willing pakinggan lahat ng hinaing at problema mo. Pwede ka sumandal sa balikat nila para umiyak at gawing tissue ang kanilang damit. Minsan nga sila pa nagiging stress reliever mo. Kapag naman may nang-away sa iyo, para silang sundalong sumusugod kahit anong oras. Tiyak na pagtatanggol ka.
Dami nilang pagkakaparehas, 'di ba? Halos magkaparehas na talaga. Kaya hindi nakakapagtaka na ang isang kaibigan ay maging ka-ibigan mo sa huli. At si boyfie/girlfie naman, isa rin naman siyang kaibigan o bestfriend. Marami mang pagkakaparehas, meron din mga kotexto na magkaiba ang dalawa. May mga bagay na hindi kayang ibigay ni kaibigan pero kaya ni ka-ibigan at may nagagawa si ka-ibigan sa iyo na hindi kayang magawa ni kaibigan. Ano nga ba mga ito?
Lahat ng ibinibigay ng isang friend ay maibibigay ng isang boyfriend/girlfriend, bukod sa natatanging bagay. Ito ay ang KILIG. Tama ako, hindi ba? Kaya ka bang pakiligin ng kaibigan mo? Hindi naman, 'di ba? Pero si boyfie/girlfie, kayang-kaya kang bigyan ng paru-paro sa tiyan.
Samantala, kahit gaano kagaling sa pagpapakilig ang isang boyfie/girlfie, mas lamang parin ang isang friend. Bakit? Kapag ang boyfriend/girlfriend ay nambabae/nanlalake, sobrang masasaktan ka. Pero kapag ang ang friend mo ang gumawa, kahit landiin pa niya lahat ng tao, hinding-hindi ka masasaktan. At ang resulta... Maaari kang iwanan o pagpalit ng ka-ibigan mo, pero ang isang kaibigan? Hinding hindi ka iiwan o ipagpapalit sa iba. Iwanan ka na lahat ng mga babae/lalake at mga naging karelasyon mo, pero ang kaibigan nanatili pa rin sa tabi mo.
P.S. Hindi ko nilalahat ang mga babae at lalaki. May mga kilala akong mababait. At hindi ko rin kwento ito. Ito ay base sa aking obserbasyon lamang. :)
i have no idea what you are talking about :P please your fan needs that in english
ReplyDeletebased on my experience... hahahahhaha napapakilig naman ako ng kaibigan ko... mas kinikilig pa nga ako sa kaibigan ko kesa sa ka-ibigan ko ee... hahahahaha :)
ReplyDelete