Friday, January 4, 2013

Who's that girl? Definitely not Maria Clara.

"Who's That Girl? Christmas Episode", akala ko hindi ito papansinin ng mga media personnel dahil feeling ko iniisip nila na normal na lamang ang ganitong klase ng panoorin sa panahon ngayon, Nagulat nalang ako nung mapanood ko ang issue ng video na ito sa TV Patrol.

Napanood ko ang nasabing video dahil naging viral sa Facebook. Libo-libong likes at comments ba naman. Noong una, akala ko maghahanap lang sila ng girl tapos konting interview. Hindi ko akalain na ganoon pala ang konsepto. Sa totoo lang, hindi ko tinapos yung video. Hanggang dun lang ako sa babaeng nagngangalang "Yuka". Hindi ko na pinagpatuloy panonood ko dahil nakaramdam na ako ng inis. Sabi ko sa sarili ko, "Ganito na ba talaga mga babae? Kung kani-kanino nalang magpapahawak at magpapahalik? Kahit unang pagkikita palang?". Napanood ko sa balita na kinu-question ang host at director. Agree naman ako sa sagot nila na "Hindi namin pinilit ang mga babae." Parang hindi ko maituturing exploitation of women ito dahil nga naman pumayag ang mga babae. Nakakalungkot lang isipin na pumayag silang magpahawak at makuhanan ng camera. Ano bang nasa isip nila at napa-oo sila?

Alam ko iba na generation ngayon. Liberated na tayong mga kalalakihan at kababaihan. Pero dapat may limitasyon. Hindi ako naghuhugas kamay. Hindi ko rin naman maihahalintulad sarili ko kay Maria Clara. Pero may respeto ako sa sarili ko dahil gusto kong resputuhin din ako ng mga tao sa paligid ko. Minsan napapaisip ako, maituturing pa bang "edge" ngayon ang pagiging simple ng isang babae o kaya naman ang walang pagkahilig sa bisyo? Boring ba pag ganoon? Sa napapansin ko kasi mas nagugustuhan ng mga lalake yung mga babae sa bar o babaeng puro cleavage ang makikita sa Facebook wall. Ika nga ng mga barako "cool" or "hot". Sa mga ka-henerasyon ko, may mga lalake pa kayang hanap nila "simpleng babae"? May mga lalake pa kayang nakaka-appreciate sa mga babaeng walang bisyo? Palagay ko naman meron pa kahit papaano. Personally, may kilala akong isa. Kelanman hindi siya napapa-second look sa mga babaeng kita hubog ng katawan. Kelanman hindi ko siya nakitaang naglike ng picture ng babaeng naka-lingerie sa Facebook. Hindi sya jejemon, bading, o autistic. Sadyang nirerespeto niya lang yung mga babae. Masyado niya kasing mahal nanay, ate, at nobya niya, kaya to the highest level ang respect. Napapaisip lang ako kung may nabubuhay pang kagaya nya sa henerasyon natin? Sana oo... Sana meron... Kase sobrang mahalaga sa mga kababaihan yon.

It should be a two-way street. Dapat hindi nalang bumuo ng ganito konsepto ang mga lalakeng yun at sana hindi nalang din pumayag ang mga babae. Hindi lang naman sa ganitong pagkakataoon. Sana palagi sa kahit ano pa yan. Why not just spread love, di ba? Lol!


No comments:

Post a Comment

Life Lately #3

I fell in love with vlogging! My time for blogging has been given to recording and editing. That’s the reason I have no blog entry for th...